Friday, July 24, 2009

hamdesal sandwich.

umabot ako ngayon sa last round ng Mcdonalds breakfast meals.

happiness!

for some reason, hindi ako makahanap ng picture ng hamdesal sandwich sa internet. nobody heard of it? pero matagal na ako fan ng breakfast sandwich na ito. mura kasi. at matamis. at may kasama nang kape.

Mcdonalds hamdesal sandwich...mabuhay ka.





anu yun? *side step* *side step*

may sakit ako ngayon. pero pinilit ko pa rin pumasok dahil kailangan. pagkarating ko sa PBCom, naghahanda na ang mga ka-team ko para sa UAT (User Acceptance Testing). Tinuloy ko lang ang trabaho ko at hindi ko na sila masyado napansin. Ayuko rin kasi makaistorbo. Nung dumating na ang kliyente, nagsimula na ang paglaban.

OK naman ang nangyari. Kaso, may anomalya lang na naganap nung bandang gitna. Sa di inaasahang pagkakataon...may isang malakas at masigabong tunog na nagmimistulang utot ang biglang narinig.

Hanggang ngayon eh hindi ko alam kung utot ba talaga yun o guni-guni lang.

Pero ito ay sinundan ng halakhak ng mga kasama ko at pati ng kliyente. Ang pagtawa ay tumagal ng ilang minuto.

Pagkatapos nun. Wala na.

At wala rin umaamin.

Hmm....


Wednesday, July 22, 2009

buhay sa bahay ng kliyente

boring.


walang facebook.


kahit hindi naman ako adik sa facebook.


sino pwede mag-harvest sa farm ko sa Farmville?


please?

Monday, July 06, 2009

ang mga nangyari sa loob ng apat na taon.

2005.

Nagkatrabaho muli. Public service raw para sa mga pipi at bingi. Maganda ang sweldo, maganda ang benefits. Kahit medyo kabobohan ang ginagawa, walang kaso sa akin basta may pera ako.


2006.

Wag natin masyado bigyan pansin ang taon na ito dahil ito ay gusto ko na lang makalimutan. Maraming kababalaghan at kabalastugan akong ginawa nung mga panahon na ito. Wala na rin akong plano ipamahagi pa ito sa madla. Samut saring kahindutan ang mga pangyayari na gusto ko na lamang manatili sa nakaraan.


2007.

Bagong taon. Bagong liwanag.

Naisipan ng tadhana na kailangan kong pagbayaran lahat ng maling ginawa ko nung nakaraang taon kaya iba ang hirap na naranasan ko nung unang 9 na buwan (parang nanganak lang?). Dahil na rin sa peer pressure, umalis ako sa kumpanya ko para maghanap ng mas matino (at mas fulfilling raw) na trabaho sa ibang lugar (may kinalaman sa kurso ko sa kolehiyo, walang night shift, hindi repetitive bla bla).

Dahil na rin siguro sa swerte, nakapasok ako sa isang kumpanya sa industriya ng I.T. At dun nabuo ang una kong software development project na hanggang ngayon eh hindi pa rin tapos.


2008.

Wala na akong natatandaan na nangyari nitong taon na ito. Generic kung baga.


2009.
Proyekto pa rin (JULIA ang pangalan nya). Malapit na ata matapos, hindi ako sure. Ayoko na rin isipin.

Kanina lang nakapatay kami ng daga. Tapos ngayon rin nagsimula ang aking dinner diet.

Bukas, bagong araw na muli.



araw ng mga daga.

Ngayong araw na ito ay nagpakitang gilas ang dalawang bubwit sa loob ng JULIA bunker. Ito ay sinalubungan namin ng tili, pagkatakot at (para sa isang daga) kamatayan.

Yung isa naman eh nagtago sa loob nung water dispenser. Hindi na ako iinom muli doon.